Sino o Ano na nga ba ang mga Pilipino ngayon?
Kung nagkataon man na isang araw ay malabo na ang kahulugan ng pagiging Pilipino, ito ang isang listahan ng mga bagay na sa tingin ko ay nakatitiyak ang pagiging isang Pilipino.
1) Mayroon kayong litrato ng "Last Supper" ni Da Vinci sa silid-kainan ninyo.
2) Katabi ng litratong ito ang isang higanteng pares ng kutsara at tinidor, na gawa sa kahoy.
3) Mayroon kayong Tito Boy o Tita Girlie sa pamilya.
4) Ang ibang palayaw sa inyo ay inuulit: Junjun, Lingling, Renren, atbp.
5) Hindi mawawala ang sawsawan tuwing oras ng kainan: Bagoong, toyo, suka...atbp.
6) Sa atin din (yata) nagmula ang mga kakaibang gawain kapag kumakain. Hal: Pinapalaman ang "ice cream" o sorbetes sa pandesal, sinasawsaw ang saging sa patis, atbp.
7) Sa isang pelikulang Pilipino, kapag may eksenang habulan ng kotse, kadalasan ay nakakabangga ng mga kahon ang mga kotse kapag dumaraan sa isang palengke.
8) Sa mga pampublikong lugar (o di kaya ay sa ibang bansa), alam mong may mga Pilipino sa lugar kapag may tumingin sa'yo matapos mo mag- "Pssssssssst!"
9) Kapag nasa isang hotel ka, inuuwi mo ang anumang libre sa kuwarto: Shampoo, sabon, tsinelas...lahat na!
10) Ang sukatan mo ng layo ay wala sa distansya. Ang sukatan mo ng layo ay kung gaano katagal kayo makakarating doon sa inyong ais puntahan.
Bonus: Mahilig ang mga Pilipino kumain. Mayroong Almusal, "brunch", Tanghalian, Meryenda, Hapunan, at "Midnight Snack". Hindi pa kasama rito ang mga pagkakataong wala kang magawa at naisip mo na lang buksan yung lalagyan ninyo ng pagkain.
Domestic Helper. Engineer. OFW. OCW. GRO. TNT. Caretaker. Manny Pacquiao. Charice Pempengco. Balut.
Ano-ano ang pagkakapareho ng mga salita sa itaas? Oo, lahat yan ay may bahid ng pagiging parte ng mga Pilipino. Sa totoo nga lang, diyan tayo nakikilala. Sa dami ng mga Pilipinong nakasaboy sa mundo, hindi kagulat-gulat na makilala tayo ng mundo. Mga Pilipino daw ang pinaka-hospitable na tao sa mundo. Kaya daw naimbento ang terminong "Filipino Hospitality".
Sa panahong ito, napansin ko na parami na ng parami ang nagma-migrate sa ibang bansa. Karamihan sa mga kilala ko ay napapadpad sa mga sumusunod na bansa: Canada, New Zealand, Germany, o kung saan mang lupalop ng mundo. Hindi ako magugulat, dahil kahit ako mismo, naisip ko na rin na umalis ng bansa. Hindi ko sila masisisi dahil minsan parang nakakawala na ng tiwala ang pag-unlad ng ating bansa. Pero hindi pa rin natin dapat kalimutan ang pagiging Pilipino, kahit nasa ibang lugar man tayo.
Isaayos ito sang-ayon sa "Gabay sa Ispeling." Pagsikapang sundin ang naroon kung hindi'y mawawalan ng saysay ang isinulat.
ReplyDeleteOrihinal ba sa iyo ang listahan mo ng sampu sa itaas? Kung hindi'y mas mainam sana kung gumawa ka ng listahang orihinal sa iyo.
ReplyDelete