Iba na talaga ang trip ng mga tao ngayon.
Nakarinig ka na ba sa "dubstep"? Kung hindi, baka may ideya ka kung ano ang tunog kapag makakatanggap ka na ng text sa cellphone mo tapos may katabi kang speakers. Yung tipong "wab wab wab wab tatatatatatat tatatat...". Ngayon, samahan mo iyon ng matinong "hip hop" na "beat", at pratush! Nakagawa ka na ng pinakauna mong dubstep na kanta.
Mahilig ka bang dumapa kung saan-saan? Baka gusto mong subukan ang "planking", o ang pagdapa sa mga kakaibang lugar o puwesto, at sabay kuha ng litrato upang ipagyabang sa mundo na nakapili ka ng matinong lugar para panandaliang isubsob ang mukha mo. Ang hamon pa nga: pag mas malupit ang lugar na na-plank mo, mas magaling ka. Kalat ngayon sa internet ang mga litrato ng mga taong naka-plank sa mga kakaibang puwesto, tulad ng sa itaas ng karatula ng McDonald's, o di kaya ay sa itaas ng umaandar na kotse.
Baka nagugutom ka na matapos mo mag-plank at makinig sa dubstep, kaya subukan mo naman ang Cinnamon Challenge. Simple lang naman ang hamon nito: Habang may kumukuha ng video mo, ikaw ay susubo ng isang kutsara ng purong cinnamon. Kung hindi ka pa nakakakita ng ulap na gawa sa pinaghalong cinnamon, luha, pawis, uhog, at laway, baka gusto mong panoorin ang mga video nito sa YouTube.
Napansin ko na dahil malapit na naman ang bakasyon ay baka nangangailangan ka ng pera. Kumuha ka kaya ng "summer job". Heto ang ilan sa mga alam kong naghahanap ng mga bagong tauhan:
1) Bayad: P10,000/oras
Trabaho: Ikaw ang magiging kalang ng mga pumaparada na eroplano sa NAIA 3
2) Bayad: P15,000/oras
Trabaho: Tutulakin mo ang Anchor's Away sa Enchanted Kingdom.
3) Bayad: P20,000/oras
Trabaho: Hihilahin mo ang Roller Coaster sa Star City.
4) (eto seryoso na) Bayad: P20/oras
Trabaho: Ikaw ang magiging "model" ng mga tinitindang kabaong sa Funeraria La Paz sa may kanto
Hindi ka na hihingan ng anumang papeles, at maaari kang magtrabaho agad sa unang araw.
Hindi halatang hindi ko na mahintay ang nalalapit naming bakasyon.
-myx

Binibigyan kita ng +1 na LG para rito, pangunahin dahil sa himig na ginamit sa pagtalakay. Subalit marami pang kawalang-ingat sa baybay at paggamit ng salita. Sikaping sundin ang "Gabay sa Ispeling" sa susunod dahil magiging mas mahigpit na ako.
ReplyDelete