Sunday, March 4, 2012

Sa Himig ng isang Jeep

Ito ang unang pagkakataon ko na lumikha ng isang tula dahil ngayon lang ako nagkaron ng lakas ng loob at gana na lumikha ng isa. Paumanhin sa magiging kalalabasan nito dahil, sinasabi ko nga, unang subok palang 'to. 


Naisip ko ito habang nakasakay (at halos makatulog na) sa jeep kaninang umaga. 
Hahayaan ko na kayo na ang mag-isip ng maaaring interpretasyon nitong aking tula. Sa halip ay matutuwa pa nga ako kung makuha ninyo ang nais kong iparating.


Ito ay nasa "free verse", walang anumang eksaktong bilang ng pantig sa bawat linya, bagamat may apat na taludtod sa bawat saknong.


"Sa Himig ng Isang Jeep"

I.
Umaalingasaw, sumisingaw,
Sampal ng hangin na sumasayaw.
Sa init, pati pawis kayang magtampisaw!
Ito ang paglalakbay ko araw-araw.


II.
Mula Parañaque hanggang Quezon,
sa saliw ng bagyo, tag-init at ambon,
Maging maingat ngunit dapat mahinahon,
Ito ang paglalakbay ko hanggang makarating doon


III.
Apat na umiikot na gulong,
Apat na bag pati at ang aking payong,
Apat na sakay hanggang sa estasyon,
Ito ang paglalakbay kong magpapatuloy. Padayon.







1 comment:

  1. Binibigyan kita ng +1 na LG para rito. (Paalalang "pa lang" dapat, hindi "palang.")

    ReplyDelete