Sunday, March 18, 2012

Um dia em o meu vida



Ola! Meu nome é Miguel Paolo A. Maglaque, mas eu chamo-me Mico. Eu tenho 18 anos. Eu mora em Cidade de Paranhaque, em o país das Filipinas.  Eu sou atualmente um aluno de Universidade de Ateneo de Manila, em meu primeiro ano em o curso ciência da computação. Este é um vislumbre de o meu vida.



Da esquerda para a direita, da cima para baixo: Eu e o meu irmãos, o Gino e a Bea; O meu pai e a minha madrasta; A minha mãe; Eu,os meus irmãos, e os meus primos; O meu cão, Kenneth.


Eu sou a segunda das três filhos. Eu tenho mais velho irmão e mais jovem irmã. O meu pai  é Gil R. Maglaque, tambêm a minha mae é chama-se Grace Downing. Eu tambêm tenho uma madrasta, chama-se Loreine. Eu  a chamo de irmã porque ela é ainda jovem.



Da esquerda para a direita: Eu e o meu kru em Muay Thai; Os meus guitarras, a Andrea e a Maria
Eu normalmente levanto-me às quatro e meia da manha, porque a minha primera aula é às sete horas da manha. A minha escola é duas horas longe de a minha casa. Eu às vezes comuto vou  a minha escola. Eu normalmente chego em a minha casa às sete horas da tarde.

No fim de semana, Eu levanto me tarde. Eu faço o meu lição de casa imediatamente. Se eu termino cedo, então eu faço os meus passatempo(s) favorito(s). Eu gusto música. O meu favorito artista musical é Carlos Santana. Eu jogo a guitarra, elétrico, acústico, ou baixo. Eu posso tambêm jogu a bateria e um pouco piano. Em esportes, eu  jogo futbol, um pouco espécie de refresco, tênis de mesa, e Muay Thai. Eu plano para se junto time de Muay Thai em o meu escola. Eu às vezes vou treino com eles depois o meu aula. Eu tambêm gusto jogo jogos de computador.


Os meus amigos mora em o meu prévio escola.

O meu "block" a partir de o meu escola agora

Os meus amigos moram o meu previo escola. Nos às vezes vou na centro comercial, porque nos estudamos em difrente escolas. Os meus amigos agora moram o meu Block em o meu escola. Nos vão na katipunan comer jantar às vezes. 


Isto é toda. Eu espero você gostei este pouco vislumbre da minha vida.

Monday, March 5, 2012

Kung NBBS mo 'to, MLMng MkukuH mo Ang NilikH ko.

Habang nasa jeep ako kaninang umaga ay bigla kong naalala ang tradisyon ng Abakada. Naalala ko rin bigla ang makabagong sining ng "rap" sa musika.

Hinamon ko ang sarili ko na gagawa ako ng rap, pero may halong abakada ang baybay,
bilang isang handog sa dalawang magkaibang bagay: Isang luma, at isang bago.

Heto ang malabong kinalabasan.
Oo, mukha siyang jejemon. Naiintindihan ko.

"NKKRap N PL Ako"

HiNMon ko Ang SRili Ko N GGW Ako ng Rp.
SinubuKn ko N Hindi kumuRp.
Heto Ang iSng Hmon ng PgsisiKp
N Aking HiNHRp.

SN Abutin ng mga bituin,
ang munti kong Awitin.
Dlhin ng uMagos na Hngin,
HngGng S mga bundok at ByByin.

HngGng S KTpuSn ng mundo
TTnDan mo Ang Awiting ito.
MuL S ISng Mg-AaRl ng Filipino
munting Aliw Ang Hndog S inyo


Eto BiNBS Mo N,
SN Ikaw ay lumiGY.
MPNgiti at MPTW
Ng munti kong nilikH.



Sunday, March 4, 2012

Sa Himig ng isang Jeep

Ito ang unang pagkakataon ko na lumikha ng isang tula dahil ngayon lang ako nagkaron ng lakas ng loob at gana na lumikha ng isa. Paumanhin sa magiging kalalabasan nito dahil, sinasabi ko nga, unang subok palang 'to. 


Naisip ko ito habang nakasakay (at halos makatulog na) sa jeep kaninang umaga. 
Hahayaan ko na kayo na ang mag-isip ng maaaring interpretasyon nitong aking tula. Sa halip ay matutuwa pa nga ako kung makuha ninyo ang nais kong iparating.


Ito ay nasa "free verse", walang anumang eksaktong bilang ng pantig sa bawat linya, bagamat may apat na taludtod sa bawat saknong.


"Sa Himig ng Isang Jeep"

I.
Umaalingasaw, sumisingaw,
Sampal ng hangin na sumasayaw.
Sa init, pati pawis kayang magtampisaw!
Ito ang paglalakbay ko araw-araw.


II.
Mula Parañaque hanggang Quezon,
sa saliw ng bagyo, tag-init at ambon,
Maging maingat ngunit dapat mahinahon,
Ito ang paglalakbay ko hanggang makarating doon


III.
Apat na umiikot na gulong,
Apat na bag pati at ang aking payong,
Apat na sakay hanggang sa estasyon,
Ito ang paglalakbay kong magpapatuloy. Padayon.







Mga Kaisipan: March 4,2012

Iba na talaga ang trip ng mga tao ngayon.

Nakarinig ka na ba sa "dubstep"? Kung hindi, baka may ideya ka kung ano ang tunog kapag makakatanggap ka na ng text sa cellphone mo tapos may katabi kang speakers. Yung tipong "wab wab wab wab tatatatatatat tatatat...". Ngayon, samahan mo iyon ng matinong "hip hop" na "beat", at pratush! Nakagawa ka na ng pinakauna mong dubstep na kanta. 

Mahilig ka bang dumapa kung saan-saan? Baka gusto mong subukan ang "planking", o ang pagdapa  sa mga kakaibang lugar o puwesto, at sabay kuha ng litrato upang ipagyabang sa mundo na nakapili ka ng matinong lugar para panandaliang isubsob ang mukha mo. Ang hamon pa nga: pag mas malupit ang lugar na na-plank mo, mas magaling ka. Kalat ngayon sa internet ang mga litrato ng mga taong naka-plank sa mga kakaibang puwesto, tulad ng sa itaas ng karatula ng McDonald's, o di kaya ay sa itaas ng umaandar na kotse. 

Isang halimbawa ng "Planking"


Baka nagugutom ka na matapos mo mag-plank at makinig sa dubstep, kaya subukan mo naman ang Cinnamon Challenge. Simple lang naman ang hamon nito: Habang may kumukuha ng video mo, ikaw ay susubo ng isang kutsara ng purong cinnamon. Kung hindi ka pa nakakakita ng ulap na gawa sa pinaghalong cinnamon, luha, pawis, uhog, at laway, baka gusto mong panoorin ang mga video nito sa YouTube. 

Napansin ko na dahil malapit na naman ang bakasyon ay baka nangangailangan ka ng pera. Kumuha ka kaya ng "summer job". Heto ang ilan sa mga alam kong naghahanap ng mga bagong tauhan:

1) Bayad: P10,000/oras
Trabaho: Ikaw ang magiging kalang ng mga pumaparada na eroplano sa NAIA 3

2) Bayad: P15,000/oras
Trabaho: Tutulakin mo ang Anchor's Away sa Enchanted Kingdom.

3) Bayad: P20,000/oras
Trabaho: Hihilahin mo ang Roller Coaster sa Star City.

4) (eto seryoso na) Bayad: P20/oras
Trabaho: Ikaw ang magiging "model" ng mga tinitindang kabaong sa Funeraria La Paz sa may kanto

Hindi ka na hihingan ng anumang papeles, at maaari kang magtrabaho agad sa unang araw.

Hindi halatang hindi ko na mahintay ang nalalapit naming bakasyon.

-myx